Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako ay putik, 'Yong hugisin. Sa kalooban Mo huwarin, Ako'y lubusan Mong sakupin.
Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako'y subuki't siyasatin! Hugasan ako't paputiin, Ngayon, O Jesus, ay tanggapin.
Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako'y tulungan, aking daing! Kapangyarihan Mo'y gamitin! Hipuin ako't pagalingin!
Kalooban Mo'y siyang sundin! Katauhan ko'y 'Yong angkinin! Sa Espiritu Mo'y puspusin, Nang si Kristo'y makita sa 'kin!